January 2008 PHR New Release

// <![CDATA[//

1. PHR 2781 The Complete You by Aleia

Kung magkakaroon ng samahang galit sa mga lalaki, malamang na presidente niyon si Chinggay. Nag-ugat ang ganoong pananaw niya sa hindi magandang karanasan sa ex-boyfriend niya.
Hanggang sa makilala niya si Vince. Likas na lapitin ito ng mga babae, at mukhang nama-magnet din siya ng charisma nito.
Handa na kaya siyang ipabuwag dito ang matigas pa sa pader na puso niya—kahit alam naman niyang marami siyang makakatunggali sa puso nito…?

2. PHR 2782 Your Love Is Better Than Hot Pandesal by Claudia Santiago

Nagulat si Allice nang umuwi siya isang gabi na may lalaking naghihintay sa kanya. Nagpakilala ito bilang si Stan, at fiancé raw niya ito! Imposibleng totoo ang sinasabi nito dahil sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya nakita ito. At sigurado siya roon dahil imposibleng makalimutan niya ang ganito kaguwapong lalaki.
Si Allice Martinez daw ang hinahanap nito. At siya nga naman iyon. Pero hindi nga niya kilala ito.
Naisip niya, mukhang may kinalaman doon ang kakambal niyang si Ellice.

3. PGS 3 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 1 by Vanessa

Unang kita pa lamang ni Maria kay Ross ay naisip na niya agad na ito ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay. Ang kaso, inis ito sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat upang matuwa ito sa kanya at pansinin siya nito.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong napasakanya ito.
Bahala na kung ano ang kahinatnan niyon…

4. PGS 4 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 2 by Vanessa

Ang akala ni Maria ay magtutuluy-tuloy na ang kanyang happy ending—ngunit nagkamali siya. Chapter one lang pala ang masaya sa kuwento niya. Sapagkat ang kanyang Prince Charming ay nakahanap ng iba. Paano na siya, eh, siya ang bida?

5. TSI 4 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 1 by Danielle

Elf was looking for a trouble-free vacation in a posh resort owned by a friend. Everything was peaceful until his path crossed with Ina Roselli’s. Ang totoo, hindi naman magugulo ang buhay niya kung napigilan lamang niya ang kanyang sarili sa tila asong pagbuntot dito. But then, hindi rin naman siguro niya kasalanan na magkaganoon siya dahil lubhang napakaganda nito.
Iyon nga lang, may panganib na dala ang pagsunud-sunod niya kay Ina. At huli na para iwasan niya ito. Na-involve na siya sa kung anong gusot na kinasangkutan nito…

6. TSI 2 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 2 by Danielle

Natuklasan ni Elf na nasa panganib hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang kay Ina. Kailangan niyang makaisip ng solusyon para makaligtas sila sa tiyak na kapahamakan. Kailangang mahuli nila ang taong humahabol kay Ina at ma-solve ang puzzle na iniwan ng yumaong asawa nito. Only then would they be able to live peacefully.
Only then would he be able to love and cherish the beauty that was Ina.

7. FRS 5 Fruitcakes Series: Cuckoodoodleduo by Rose Tan

Miriam and Elmo grew up together. Hers was the first “tambok” he had ever seen and it was flat, actually.
He was the first naked male she had ever seen and that black, scary thing between his thighs brought her an anxiety attack. She was two then.
Three presidents later, she got kidnapped… by Elmo. Dinala siya nito sa isang malayong isla para ilayo sa DOM na pinagpapa-cute-an niya. Hindi niya inakalang sa islang iyon ay mabubunyag ang isang lihim…
Clue: It’s a many splendored thing.

8. SLS 14 Skylander Series: Dashielle, Wolf’s Rain by Sofia

Dashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with.
Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.
“Go ahead and kiss me,” hamon niya rito minsan.
Maybe with that kiss, she might be able to prove a few things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman.
Magtagumpay kaya siya?

9. PES 17 Pepper Series: Miles Encarnacion by Vanessa

Parang kidlat si Miles Encarnacion sa buhay ni Pining. Dumating ito, nawalan ng trabaho ang tatay niya. Sa isang iglap, nawalan siya ng sampung libong piso dahil dito. Sa isang iglap, nobya-nobyahan na siya nito. Sa isang iglap, “break” na sila. Sa isang iglap, pogi na ito sa paningin niya. Sa isang iglap, hinahagkan na siya nito…
Anong kaguluhan iyon?

10. MOG 30 How To Keep Your Man by Maria Flora Celine

Nagdamdam si Libby nang malaman niyang wala pala sa mga plano ng nobyo niyang si Vince ang pag-aasawa. Sumabay pa ang pagbabalik sa eksena ng ex-girlfriend nito na si Stephanie. Halata sa mga kilos nito na gulo ang hatid nito sa kanilang relasyon. Nadagdagan pa ang problema niya nang sorpresahin siya ng ex-boyfriend niyang si Ralph at nag-propose ito ng kasal sa kanya.
Would she go back to her ex who was giving her the security of a marriage proposal or would she fight it out with Stephanie even without the promise of marriage from Vince? Would she be able to keep the man she really loved and change his mind about marriage?

// <![CDATA[//

1. PHR 2960 Allie’s Romance by Vanessa

Matagal nang minamahal ni Allie ang kaibigan niyang si Bong-bong. Hindi niya maturol kung bakit minahal niya ito sa kabila ng katotohanang alam niyang seryoso ito sa nobya nito.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong sabihin nitong nakipaghiwalay na ito sa nobya nito. Naisip niyang kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon… Pero kampihan naman kaya siya ng tadhana?

2. PHR 2961 A View To A Chance by Dawn Igloria

Si Armie ay dalawang beses nang iniligtas sa kapahamakan ni Midas. Hindi niya maarok kung paano nalaman ng lalaki ang mga insidenteng iyon bago pa man mangyari. Ngunit imbes na mapalapit, sinikap niyang lumayo rito. Kumbinsido kasi siya na may kaakibat itong kamalasan.
Kaya lang, hindi lang pala inapo ito ni Nostradamus. Best friend din pala ito ni Kupido. Walang kahirap-hirap na na-target nito ang kanyang puso. Bull’s-eye talaga nang mahalin niya ito. Bull’s-eye din sa pagkawasak ang puso niya nang malaman niyang ibang babae ang talagang mahal nito. Puwede sana niyang agawin ito sa babaeng iyon. Kaya lang, mas malaki pa kay Goliath ang taglay niyang pride.

3. PHR 2962 The Kissing Bandit by Camilla

Paaral lang si Ces ng tiyahin niyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kapalit niyon ang kondisyong hindi siya puwedeng mag-boyfriend hangga’t hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral.
Nakatupad naman siya. Isang taon na lang ay ga-graduate na siya—until Mirco, the kissing bandit who kissed her in an open soccer field–in full view of everybody.

4. PHR 2963 Achilles’ Wife by Bernadette Licarte

Dahil sa labis na kalasingan ay tila nawala si Sandy sa kanyang sarili. Nagising na lamang siya na may katabi siyang lalaki sa kama. Si Achilles ang lalaking iyon at wala siyang alam tungkol dito maliban sa pangalan nito.
Hiyang-hiyang nilisan niya ang condo unit nito. Hindi niya inakalang magagawa niya ang nagawa niya.
Ginawa niya ang lahat ng paraan para makalimutan niya ang nangyari. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Kailangan niyang makita si Achilles. Ngunit hindi niya alam kung saan hahagilapin ito…

5. PHR 2964 Absence Makes The Heart Grow Fonder… For Another by Kayla Caliente

Absence makes the heart grow fonder.
Pero pakiramdam ni Cheryn, daig pa niya ang may boyfriend na OFW dahil sa sobrang kawalan ng oras ni Martin na makasama siya.
Her friend Calix was having the same problem. Masyadong workaholic din ang girlfriend nito. At dahil magkaibigan sila, natural lang na sila ang maghingahan ng mga himutok at hinaing nila sa mga “significant others” nila.
They decided to just form a support group. Sa halip na magmukmok at magmaktol kapag naka-cancel ang mga dates nila, sila na lang ang lumalabas. Tutal ay enjoy naman silang makasama ang isa’t isa.
Hanggang sa masyado na siyang nag-e-enjoy na makasama ito. Medyo nag-iilusyon na rin siya na puwedeng maging sila. At malaking kahibangan iyon, lalo at napatunayan niyang mahal na mahal nito ang girlfriend nito.

6. PHR 57 Pangakong Hindi Kita Lilimutin by Amanda

Nagmamahalan sina Mariela at Generoso ngunit pilit na hinahadlangan iyon ni Belinda, ang se¤orita ng Hacienda Maravilla kung saan sila nagtatrabaho na magkasintahan. May gusto ito kay Generoso at gagawin nito ang lahat para mapunta rito ang binata.
Kaya nang mahuli sila nito na magkayakap at naghahalikan ay pinarusahan nito si Mariela. Ngunit nagawang makatakas ng magkasintahan at nang malapit na silang masukol ay ipinain ni Generoso ang sarili upang makatakas si Mariela.
Iyon na ba ang huling pagkikita nila ni Mariela o simula lamang ng pagdating ng araw na sila ay magiging lubos na malaya?

7. PHR 436 Accidental Bride by Rose Tan

Labag man sa kalooban ni Penny ay kailangan niyang pakasalan si Lyndon. Laking pasasalamat niya dahil wala pa rin pala itong balak na magpakasal. Gumawa ito ng paraan para hindi matuloy ang pag-iisang-dibdib nila.
Pero pabor lang pala rito ang ginawa nitong hakbang. Dahil sa pagba-back out nito ay ipinakasal naman siya sa playboy na pinsan nito na si Macky.
Dapat ay maglupasay siya ng iyak pero sa halip ay natuwa siya at nagkaroon ng ibayong pag-asa. May palagay kasi siya na makakaya niyang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Macky.
Pero maling-mali pala ang akala niya.

8. PHR 991 I Can’t Help Falling In Love With You by Elizabeth McBride

Abigail was a new lawyer, matalino at sa katunayan ay naging topnotcher sa Bar exam. Nagtagpo ang mga landas nila ni Carlitos, isa ring lawyer, but a serious and dedicated one sa propesyon nito. Kailangan nila ang isa’t isa.
Iyon na ang simula ng endless battle sa pagitan nilang dalawa.
Para kay Carlitos, kahit pa mataray at suplada siya, natanim na sa puso nito ang pangangalaga at pagprotekta sa kanya.
Paano niya ipagtatapat dito na sa kabila ng ipinapakita niyang pagtataray ay mahal niya ito?
Hanggang dumating ang kanyang kinatatakutan–may ibang babaeng umaangkin sa puso ni Carlitos, si Andrea.
Paano niya ngayon ipaglalaban ang pag-ibig sa pinakamamahal na lalaki?

9. PHR 1045 Love Is Something Beautiful by Elizabeth McBride

“I hate women and I don’t want to fall in love again.” Michael promised that to himself.
Ngunit ano iyong nararamdaman niya sa tuwing makikita niya si Bianca—her beautiful secretary?
Hindi niya ibig seryosuhin ang strange feeling na iyon. Not until his eighteen-year-old sister ran away at ang pinaghinalaan niyang kasama nito ay ang pinsan ni Bianca na si Nicholas.
Wala siyang choice kundi makipag-ugnayan kay Bianca para matunton ang kapatid. At hindi naglaon, may umusbong na pag-ibig sa kanilang dalawa.
Will this love end beautifully gayong nasa puso pa rin ni Michael ang galit sa mga babae?
At si Bianca ay natatakot magpakita ng pag-ibig sa isang lalaking para dito ay mahirap abutin?

10. PHR 1288 One Fateful Summer Romance by Noelle Arroyo

Hindi lang bakasyon ang habol ni Aries Geronimo—or Maximino Geronimo, the famous painter. Gusto niyang sorpresahin ang kanyang daddy na hindi pa niya nakikita for sixteen years sa pagbisita rito nang hindi nito nalalaman.
Sa halip, siya ang nasorpresa. There was no sign of her father in his house, napagbintangan pa siyang trespasser! Okay na sana dahil guwapo ang nag-aakusa sa kanya.
Ngunit nang mapagbintangan siya nitong social climber—dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang daw siya nagpakita sa daddy niya kung kailan mayaman na it—ay fight to death sila ni Hans na kasosyo sa negosyo ng daddy niya at self-appointed protector ng daddy niya.
Ang ikatlong sorpresa ay hindi niya mapigil ang kanyang sarili na hangaan ito at pigilin ang abnormal na tibok ng kanyang puso kung kaharao niya ito.
Kung kaya’t ang sumunod niyang naging problema ay kung paano iyon itatago rito. Dahil wala na silang ginawa kundi magsalo sa makalindol-mundong mga halik pagkatapos ng bawat pagsasagupa nila…

11. PHR 1398 Pangako, Ikaw Lang Ang Iibigin Ko by Noelle Arroyo

Nananahimik sa San Carmel si Crystal nang bulabugin ang kanyang mundo ni Zach, isang sikat at guwapong artista na takot umakyat sa puno.
Ngunit para lang mapansin niya ito at umano ay mapatunayan ang pagmamahal nito sa kanya, lakas-loob itong umakyat sa paborito niyang punong-mangga. Only to end up looking like an idiot dahil tila ito tukong nakakapit sa isang malaking sanga.
She was flattered. Subalit nag-aalinlangan ang puso niya. Dahil sino ba namang matinong lalaki, lalo’t isang artista, ang mai-in love sa isang promding bulol na kagaya niya?
Pero makulit ito. Ang pag-ibig daw nito ang makakagamot sa kanya. At tila mabisa naman itong gamot sa pagkabulol niya. Tumutuwid ang dila niya kapag ito ang nakakaharap niya.
Hindi niya tuloy napaglabanan ang charms nito. Napa-“oo” rin siya rito.
Ngunit ngayong natapos na ang bakasyon nito, itutuloy ba o wakas na ang relasyon nila?

12. Territorio De Los Hombres Series 40: Ramoncito Reina

Man, what an ugly broad. Iyon ang unang naisip ni Ramoncito nang makita niya si Rasheeda sa unang pagkakataon. Hindi niya akalaing muling magtatagpo ang mga landas nila nang maging business associate niya ang ama nito. And then she started following him around. Mabait siya rito sapagkat anak ito ng negosyanteng ka-deal niya. Ngunit mukhang inakala nitong may ibang kahulugan ang kabaitan niya rito.. But for God’s sake, he only dated pretty ladies. Malayo sa pagiging ganoon si Rasheeda.
Until one day he had to tell her the truth—that he did not think they could ever be together. Medyo napasama ang pagsasagutan nila. Hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Sinubukan niyang hanapin ito upang humingi ng tawad ngunit nawawala na ito at walang makapagsabi kung nasaan na ito.
Pero bakit parang hindi siya matahimik? Was it just his guilt talking or had he fallen in love with a woman who was not pretty—to put it mildly?

13. MLH 368 Migo by Laurice del Rio

Aminado si Ida na puwede lang siyang manalong Miss Universe kung siya na lamang siguro ang natitirang babae sa mundo. Marami na rin siyang masasagwang karanasan pagdating sa pakikipag-date kaya dumating ang punto na sumuko na lang siya.
Samantala, hindi naman nakayanan ni Migo na lait-laitin ng mga kaibigan niya ang babaeng binansagan ng mga itong “Ugly Betty.” Balak pang pag-trip-an ng mga ito si Ida. Tila sinaniban yata siya ng espiritu ng mga bayaning nabuhay sa Pilipinas kaya nagpasya siyang isalba ang dalaga mula sa kalokohan ng mga kaibigan niya.
Nakatulong ng malaki kay Ida ang pagdating ni Migo sa buhay niya. Pero paano kapag nalaman niya ang motibo nito sa pagpatol sa kanya?

// <![CDATA[//

1. PHR 2965 Beyond The Reason Why by Sofia

Kung may tao sigurong kinamumuhian nang labis si Simmy, Attorney Thorn Vance. Ito ang nagtulak sa kamatayan sa kaibigan niyang si Dahlia. Ito ang lalaki na hindi marunong magmahal.
Pero nang manganib ang buhay nito dahil sa kanya ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makabawi siya rito.
Kasama bang pambawi ang puso niya?

2. PHR 2966 Yours, Mine, And Ours by Kayla Caliente

Unang tingin pa lang ni Mandy kay Anton ay nakabuo agad siya ng konklusyon. Wala ito ni katiting na K na mamuno ng Carelink Corp. Kung abilidad, sipag, tiyaga at pagkasipsip ang pag-uusapan ay lamang siya rito nang ilang daang paligo. Pero may alas ang lalaki. Apo lang naman ito ng may-ari ng kompanya na si Do¤a Rosario.
Gusto na niyang gumawa ng placard na may nakasaad na It’s unfair! Paano’y, basta na lang siya mai-itsa-puwera ngayong biglang sumulpot sa eksena ang magaling na lalaki. Iyon ay kahit bago pa man ma-stroke ang matanda ay halos siya na ang nagpapatakbo ng kompanya.
Ang masaklap pa roon, pinakiusapan siya ng matanda, na hindi niya alam kung nananadya o ano. Turuan at gabayan daw niya si Anton para matutuhan nito kung paano pamunuan ang Carelink.
She was prepared to hate Anton. Pero mukhang may ibang agenda ang puso niya…

3. PHR 2967 Trinity’s Romance by Vanessa

Napilitan si Trinity na pakasalan si Roque bilang pagsunod sa utos ng kanyang lola. She hated the man. Mula nang dumating ito sa kanilang hacienda ay ito na ang naging apple of the eye ng lola niyang dati ay siya lang ang paborito. Still, she had to marry him.
Pakiramdam niya ay hindi na sila magkakasundo sapagkat lahat ng ayaw niyang gawin ay pilit na ipinagawa nito sa kanya. Ang pinakanakakainis sa lahat, inalisan siya nito ng maid! But then she found herself enjoying doing things for him. Mukhang nahuhulog na ang loob niya rito… Pero alam niyang may nobya ito na alam niyang mahal na mahal nito.

4. PHR 2968 Forever And For Always 3 (Dorothy & Victor) by Joan Jean

Hindi maganda ang unang pagkikita nina Dorothy at Victor. Napagkamalan kasi siya nitong bayarang babae kaya inalok siya nitong babayaran ang serbisyo niya pumayag lamang siyang sumama rito. Sa tingin niya ay wala naman sa hitsura niya na ganoon siyang uri ng babae. Crush pa naman sana niya ito dahil guwapo ito kahit may-katabaan.
Ang buong akala niya ay hindi na uli sila magkikita. Ngunit mukhang may ibang plano ang tadhana sa kanila. Hindi nagtagal ang pagkainis ni Dorothy kay Victor. Dagli ring napalitan iyon ng pagmamahal.
Naniwala siya na pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa dahil kahit hindi nito tahasang sinabi na mahal siya nito ay binigyan naman siya nito ng singsing. Kaya nadurog ang kanyang puso nang biglang maglaho ito pagkatapos niyang ipagkaloob ang kanyang sarili rito.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagpakita uli ito sa kanya. Humihingi ito ng pangalawang pagkakataon.
Dapat ba niyang pagkatiwalaan uli ito gayong ang dahilan kung bakit ito biglang umalis ay dahil wala itong tiwala sa kanya?

5. PHR 69 Walang Kapantay Na Pag-ibig by Amanda

Para kay Rosana, napakahirap makamtan ang pag-ibig ni Andro. Bukod sa kaibigan lang ang turing nito sa kanya, may babae na ring nagmamay-ari ng puso nito. Until he met an accident. She took care of him unselfishly. Pinalakas niya ang loob nito.
Nang tanungin siya nito kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon ay tinapat niya ito—sinabi niyang iniibig niya ito.
Ngunit siya man ay tinapat din nito. Sinabi nitong ang kanilang relasyon ay hindi hihigit sa pagiging magkaibigan.
Would she accept defeat and leave him—or fight for his love against all odds?

6. PHR 1315 Ikaw Sa Buhay Ko by Vanessa

Nilisan ni Kate ang bayan ng Kakisigan na baon ang galit sa kanyang dibdib. Napahiya siya nang laitin siya ni Mando–ang nag-iisang kaibigan niya–at sinabing “pangit” siya sa harap ng maraming tao. Mula noon ay nagsumikap siya hanggang sa maging matagumpay sa negosyong pinasok niya.
At ngayon ay nagbalik siyang walang ibang laman ang isip kundi ang gantihan ang lalaki. Gagamitin niya ang kanyang karisma at angking kagandahan upang mahulog ang loob nito sa kanya.
Subalit bakit ganoon? Nang makita niya ito’y parang hindi na yata niya kayang ituloy ang planong paghihiganti rito. At parang siya lamang ang masasaktan kapag sinaktan niya ito….

7. PHR 1466 Ang Kaibig-ibig Kong Boss by Noelle Arroyo

Nang mag-apply si Ems sa Ricafuerte Group of Companies ay hindi niya inasahang matatanggap siya roon. Sa isa tulad niyang bagong graduate, that was more than a surprise. Pero ang higit niyang ikinagulat ay nang malaman niyang hindi lang isang simpleng sekretarya ang magiging trabaho niya roon. Magiging personal assistant mismo siya ng presidente ng kompanya–si Anton Ricafuerte!
Kaya lang ay may rule ito sa trabaho: Don’t fall in love with the boss.
Makakaya kaya niyang sundin ang rule na iyon gayong matitigan lang siya ng abuhing mga mata nito ay nawawala na siya sa sarili?

8. The Bachelors Series 47: Bryce Soriano (You’re My Only Love) by Elizabeth McBride

Dalawa ang dahilan ni Rapha kung bakit namasukan siya sa kareristang si Bryce Soriano. Bukod sa mahilig siyang kumumpuni ng mga sports car ay nais din niyang mapalapit kay Bryce.
Naging maayos naman ang samahan nila. Naramdaman niya ang pagpapahalaga nito kaya tuwang-tuwa siya at madalas na mapanaginipan niya ito. Pero sa bawat panaginip niya ay kakaibang laban ang sinusuong niya: giyera ng mga babaeng nag-uunahang makasilo kay Bryce.
Kung kailan determinado na siyang gawin ang lahat para mauna sa finish line, sa di-maipaliwanag na kadahilanan ay napansin naman niyang unti-unting dumidistansiya sa kanya si Bryce…

9. Cinderella 74 Venice, The Crying Lady No More 1 by Cora Clemente

Sa gulang na disinuwebe ay pinasan ni Venice ang malaking responsibilidad sa kanyang nakababatang kapatid na si Jolan nang maulila sila sa mga magulang. Napilitan siyang huminto muna sa pag-aaral upang kumayod sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke para sa kinabukasan ng kapatid niya.
Pero parang gumuho ang mundo niya nang masadlak sa hindi magandang trabaho si Jolan—iyon ay nang maging showgirl ito sa isang bar. Hindi niya hahayaang tuluyan itong malublob sa putikan kaya gagawin niya ang lahat sukdulang ipain niya ang sarili para lang mailigtas ito.
Nakipagkasundo siya sa manager ni Jolan. Pakakawalan daw nito ang kapatid niya sa kondisyong siya ang papalit dito sa pagiging showgirl sa isang private birthday celebration na dadaluhan ng mayayamang magkakaibigan. Pikit-matang pumayag siya.
Sa kasayahang iyon ay nakilala niya si Aquilles, ang guwapong may-kaarawan. Pero muntik na siyang mapariwara sa mga kamay nito. Paano nga naman kasi siya igagalang nito kung ang pagkakakilala nito sa kanya ay isang mababang uri ng babae?

10. Cinderella 75 Venice, The Crying Lady No More 2 by Cora Clemente

Dalawang taon na ang nakararaan nang muntik nang mapariwara ang puri ni Venice dahil sa pagsaklolo niya sa kanyang kapatid. Pinilit niyang makalimutan ang maiksi ngunit madilim na bahaging iyon ng nakalipas.
Ngayon, mula sa pagiging tindera ng gulay ay isa na siyang sikat na artista. Masasabing household name na ang pangalan niyang “Venice del Rio” dahil sa top-rating teleseries niya—ang Liway. Iyon ang nagsilbing pinto para sa iba pang magagandang offers.
Subalit sadya yatang nais pa siyang paglaruan ng tadhana. Kung bakit sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas, si Aquilles Jovellana pa ang nakatakda niyang maging big boss sa movie outfit na magbibigay sa kanya ng maraming movie projects!
Paano ba niya makakalimutan si Aquilles gayong ito ang lalaking muntik nang makakuha ng pagkabirhen niya? Magsisilbi ba itong threat sa yumayabong na career niya sa oras na ibunyag nito ang pangit na nakaraan niya? O ito ang lalaking nakatakdang pumukaw sa kanyang puso?

// <![CDATA[//

1. PHR 2783 Second Best by Amanda

Sa una pa lang ay batid na ni Nadia kung saan siya nakalugar sa puso ni Kit. At bagaman masakit ay pinili niyang makihati sa girlfriend nito kahit magmukha siyang kerida sa lalaking kung tutuusin ay single pa naman at available. Pumayag siya sa ganoong setup dahil mahal niya ito.
Nang pakasalan ni Kit si Patricia ay gumuho ang mundo niya. Kinailangan niyang lumayo upang kalimutan ang pagkamatay ng pag-ibig niya. Pero kung kailan nakakalimutan na niya si Kit ay saka nagbalik ito. At sa pagkakataong iyon ay kailangan nito ang tulong niya upang makalimutan nito si Patricia.
Pagbibigyan ba niya ang puso niya kahit alam niyang masasaktan uli siya? At hahayaan ba niyang muling maging second best ngayong binubuhay ni Kit ang alaala ni Patricia sa pagkatao niya?

2. Fruitcakes Series 6: The Stalker by Rose Tan

Obsessed.
Iyon si Rufina kay Linus Cordero. Walang nakapigil sa kanya nang pikutin niya ito.
Ang kaso, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do them part, de-dead-mahin siya ng kabiyak.
Promise.

3. Fruitcakes Series 7: The Love That Never Was by Rose Tan

Umuwing luhaan si Freda sa probinsiya nila pagkatapos niyang mahuling nagtataksil ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.
Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Paano?
Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nasasagot ang mga tanong. Kaya pinakiusapan niya si Anciano na tulungan siya. He was gorgeous, he was nice, and he had a girlfriend. He was perfect for her plan.
Nagkasundo silang magkaroon ng relasyon na tatagal nang isang linggo para malaman niya kung ano ang nasa isip ng isang lalaking nagtataksil at ng other woman.
“Can we extend this thing for another three weeks?” tanong ni Anciano pagkalipas ng isang linggo.
Lagot!

4. Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1 by Sofia

Zygryd was her father’s headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life..
Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig.
Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya. Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya.
Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?

5. Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow 2 by Sofia

Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito.. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo.
Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging “bunga” ng kanilang pagmamahalan noon.
She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila…

6. Amantes Fantasticos 16: Manuel, Ang Unang-silang 1 by Camilla

May nagbabadyang panganib sa kaharian ng Ruwania. At ang dugo ni Manuel ang tanging makakasugpo roon. But he was not one to heed his brother the king’s order. Hari ito ng Ruwania, and thank God, siya ay nasa Unang Lupa kaya hindi siya nasasakupan nito.
Ngunit ano nga ba ang pumipigil sa kanya para tulungan ang kaharian ng kapatid? Was it cowardice… or the memories of Agilis that haunted his heart?

7. Amantes Fantasticos 17: Manuel, Ang Unang-silang 2 by Camilla

Nasa bingit ng kapahamakan si Manuel. Batid iyon ni Agilis ngunit walang gustong maniwala sa kanya, kahit ito mismo. Gagawin niya ang lahat upang mailigtas ang kanyang pinakamamahal, kahit ang kahulugan pa niyon ay isuong niya ang sariling buhay sa tiyak na kapahamakan. Ngunit nauubos na ang panahon. Unti-unti na siyang nagiging abo…

8. Pagudpud Series 5: Lovers In Paradise by Vanessa

Pumunta sa Pagudpud si Yna dahil ibig niyang mapag-isa at mapalayo sa mga alaala ng lalaking minahal niya at upang matapos na rin ang sinusulat niyang libro.
Ngunit ang tahimik na mundo niya ay nagulo sa pagdating ng isang maingay na kapitbahay, si Ismael. Walang ginawa ito kundi magpatugtog nang malakas, sumayaw-sayaw, at magtatakbo sa beach nang nakahubo!
One day she had enough of him. Pinagsabihan niya ito. Ang akala niya ay mababara niya ito subalit nagkamali siya. Hindi ito naapektuhan sa sinabi niya, bagkus ay nag-flirt ito. The nerve!
But why would she find herself always watching him while he wasn’t looking?

9. Pepper Series 18: Pipay by Vanessa

Parang isang telenovela ang buhay ni Pipay. Lumaki siyang api-apihan hanggang sa dumating ang isang doña na nagpakilala bilang tunay na lola niya.
Masuwerte na sana siya kung hindi lamang sa isang ampon nitong minsan ay nagtangkang ipakulong siya kahit wala siyang kasalanan! Pero bakit sa loob ng maikling panahon, ang buwisit na ampon ay hindi na nakakainis? Bakit parang papogi na nang papogi ito sa kanyang paningin.

10. Braveheart Series 22: Viper Iñigo (Sinner Saint) by Dawn Igloria

Tipong artista si Eldric kaya madaling nahulog dito si Rovinia. Ang akala niya ay isa itong knight in shining armor, iyon pala ay isang demonyo na nakakubli sa malaanghel na mukha.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang kasamaang ginawa nito sa kanya. Dahil ito ang naging dahilan para masira ang tiwala niya sa lahat ng lalaki.
Ngunit dumating sa buhay niya si Viper. Mas guwapo pa ito kaysa kay Eldric. Mabait ito kahit pa minsan ay may taglay na kakulitan. Pero sa kabuuan, lahat na yata ng magagandang adjectives ay maibibigay niya rito. Kaya natuto siyang magtiwala uli sa mga kalahi ni Adan.
Kumbinsido siya na nahanap na niya ang perpektong lalaki. Ngunit nakatakda palang daigin nito ang kasamaang ginawa sa kanya ni Eldric. Mabibigo na naman ba siya?

11. PHClassics 44: Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa

Maraming plano si Glydel sa buhay na hindi niya naituloy dahil sa kanyang ama at sa asawa nito. Gusto sana niyang makasabay sa mga kababata niyang malayo na ang narating, katulad ni Restituto, na isa nang abogado at bise-alkalde ng kanilang bayan.
Ang kakulangan niya sa edukasyon ay binawi niya sa pagporma at pagpapakita ng kagandahan niya. Hiling niyang sana ay mapansin siya nito. At dumating naman ang araw na iyon. Kaya lamang ay may malaking kapalit pala ang hiling na iyon, isang kapalit na makakapagpabago nang ganap sa buhay niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: