April 2008 PHR Pocketbook Release

1. PHR 2798 You And No Other by Cora Clemente

Judith’s young heart loved Alfred. He made her dream. He changed her dull life. Pero dumating ang isang pangyayaring kinailangang magparaya ang pagmamahalan nila. Idagdag pang ayaw na ayaw sa kanya ng mayamang lola nito. Hanggang magkahiwalay sila.
Akala niya ay kaya niyang kalimutan si Alfred sa pagdaan ng mga taon. Ngunit bakit naroon pa rin ang sakit na may kasamang kabog ng dibdib sa muling pagkikita nila?

2. PHR 2799 Mindy’s Romance by Vanessa

Sa unang pagkikita pa lamang nina Mindy at Benki ay alam na ni Mindy na hindi maganda ang impresyon sa kanya ng binata. Sa katunayan ay sinabi nito mismo iyon sa kanya. Pakialamera at tsismosa daw siya. Siya ay may impresyon din dito. Mayabang, sanggano, at animo kung sino ito.
Dahil mag-asawa ang ex-girlfriend nito at ang best friend niya–ang lalaking lihim na minamahal niya–ay hindi maiwasan na nagkakasama sila. Wala silang pagtatagpong naging maganda para sa kanya…
Hanggang sa kinailangan niya ang tulong nito dahil may masamang balak sa kanya ang obsessed na manliligaw niya. Hindi naman ito nagkait ng tulong. Isinama siya nito sa probinsiya, kung saan kinailangan niyang magpanggap bilang nobya nito sa lola nitong tulad nito ay mainit din ang dugo sa kanya.
Pero bakit apektado siya gayong pekeng nobya lang naman siya?

3. PHR 2800 Maibabalik Ba Ang Kahapon? by Claudia Santiago

Napilitan si Judy na pumasok sa mundo ng showbiz upang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang ina. Inunawa naman siya ng kanyang nobyong si Chino. Ngunit dumating sa puntong nagawa niyang itatwa ito upang pangalagaan ang loveteam nila ni Richard Mendrez. Bunsod niyon, nagkahiwalay sila ni Chino.
Sa paglipas ng panahon ay naging kasintahan niya si Richard. Ngunit nang malapit na silang ikasal ay nahuli niya itong kaulayaw sa kama ang kaibigan niya. Ang masakit, alam pala ng kanyang ina ang tungkol doon. Hindi nito ipinaalam iyon sa kanya dahil hindi nito gustong masira ang career niya kapag nakipaghiwalay siya kay Richard.
Hindi niya nakayanan ang pagtatraidor na iyon. Hanggang sa ang paglalasing niya ay nauwi sa isang malagim na aksidente.
Hindi niya inaasahang si Chino ang unang taong dadamay sa kanya. Noon niya napagtanto kung ano ang pinakawalan niya.
Mabigyan pa kaya siya ng pangalawang pagkakataon para dugtungan ang kanilang kahapon?

4. PHR 2801 Addicted To Love by Sonia Francesca

Saia and Hadji started out as enemies–well, at least on Saia’s part–dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa’t isa.
Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren’t really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang.
Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?

5. PHR 2802 Does Your Heart Still Break? by April Gonzaga

Nang tanggihan ni Fenny ang alok ni Edwin na kasal ay agad itong umalis at nangibang-bansa. But what if she had been wrong to turn him down? Nang mabalitaan niya ang tungkol sa isang painting contest na magdadala sa mananalo sa Slovenia, sa bansang pinuntahan ni Edwin, ay agad siyang sumali. She was determined to look for him again, and win him back.
Doon niya nakilala si Shan Timothy Reyes, isang Filipino businessman na nag-alok na tulungan siyang hanapin ang kanyang nawawalang nobyo. Kung siya ay pumunta sa bansa na iyon para hanapin ang taong mahal niya, nagpunta naman doon si Shan para limutin ang babaeng laman ng puso nito.
But what if true love wasn’t where she originally thought it was? What if the one she actually needed, wasn’t the person she was searching for?

6. PHR 2803 Meymey’s Romance by Vanessa

Pangarap ni Meymey sa buhay ang yumaman kahit sa hindi eksaktong magandang paraan. Pero may plano na ang tadhana sa kanya, at iyon ay ang biglaan siyang gawing multimilyunarya.
Ang kaso ay may pagpipilian siya: ang pakasalan ang lalaking tutulong sa kanya kapalit ng pakikihati nito sa kayamanang namana niya o sarilinin ang pamamahala sa malaking kompanya at bayaran ang lalaking iyon nang milyones.
Pinili niya ang una.
Ang akala niya ay wala na siyang magiging problema, na kasal lamang sa papel iyon at hindi siya lugi sapagkat mahusay sa negosyo, matalino, at edukado si Nick, ang lalaking pinakasalan niya…
Pero babaero pala ito. Bakit siya apektado gayong sa papel lang sila kasal?

7. PHR 2804 Fool Me Once, Fool Me Twice by Camilla

Hindi alam ni Lia kung paano magre-react nang muling makita niya ang lalaking inibig at dumurog sa puso niya–si Chester. Kapatid ito ng babaeng nabuntis ng kapatid niya. Nasa rest house siya ngayon na pag-aari ng pamilya nito. “Kinidnap” siya ng kapatid nito dahil hindi nagpapakita rito ang kapatid niya.
Kung inakala niyang makakaalis na siya roon ay nagkamali siya. Hindi raw siya makakaalis doon hangga’t hindi nakikipag-communicate ang kapatid niya.
Sa ilang araw na magkasama sila ni Chester ay may takot na bumangon sa kanya–na baka mahulog siya sa charm nito…

8. PHR 2805 From Now Until Forever by Amanda

Honest mistake ang nangyari nang magkamali si Helena na pumasok sa cabin ni Nick sa pag-aakalang iyon ang cabin na inookupa ng pinsan niya. To make matters worse ay naipagkamali siya nito na isang hospitality girl na ipinadala ng kaibigan nito.
Nagsimula sa isang pagkakamali ang lahat na nauwi sa pagiging magkaibigan ng dalawa. Ang inakala ni Helena na walang modong lalaki ay mabait din naman pala. Ngunit nang magkumpisal na ng pag-ibig sa kanya si Nick ay nag-iba na ang istorya. Ipagpapalit ba niya si Jack na kasintahan niya kay Nick na noon lang niya nakilala? Paano kung pinaglalaruan lang pala ni Nick ang damdamin niya?

9. Black Bureau Elite Series 1: Back In My Arms Again 1 (Agent Wire) by Noelle Arroyo

Hindi alam ni Cassie kung ano ang kanyang pinasok noong makilala niya si Rourke La Guardia at ma-in love siya rito. Sa simula ay wala siyang naranasan kundi pagkapahiya at sama ng loob dahil sa pagiging mailap nito.
Pero natuklasan niyang hindi pala siya nag-iisa sa kanyang nararamdaman—he was experiencing it, too. Siya naman ang nag¬pakipot noong unang magtapat ito—dahil hindi niya gustong nang dahil sa bugso ng damdamin ay mapasubo ito sa isang relasyong hindi naman nito talaga desididong pasukan dahil sa dedikasyon nito sa family business ng mga ito.
Pero sinubukan nilang magsimula, sa kabila ng alam niyang problema.
Pero may lihim pala ang binata na mas matindi ang magiging epekto sa kanilang bagung-bagong relasyon…

10. Black Bureau Elite Series 2: Back In My Arms Again 2 (Agent Wire) by Noelle Arroyo

Naghiwalay ang mga landas nina Cassie at Rourke. Pero hindi naging hadlang ang hidwaan ng kanilang mga damdamin sa nakaraan para ganap na makalimutan nila ang isa’t isa. Muli ay nagtagpo sila, at muli ay naranasan nilang buhay pa iyong kakaibang dam¬daming taglay nila para sa isa’t isa noon.
And then, another tragedy struck. Na-kidnap si Cassie.
At habang hinahabol niya ang oras para mailigtas ang babaeng kanyang pinakamamahal, isinumpa ni Rourke sa kanyang sarili na mabawi lamang niya ito, walang kahit ano ang muli ay aagaw rito sa kanyang buhay…

11. Lukaret Series 3: Conquering Cheska by Camilla

Dahil sa obsessed na ex-boyfriend ay napilitang makitira ni Cheska sa bahay ni Marcus. Maayos naman ang lahat sa pagitan nila. Crush niya ito noon but she had long outgrown it… or so she thought. Until something happened one night. At kinumpirma niyon ang katotohanan na hindi pa nga niya nakakalimutan ang pagsintang-purorot niya para dito.

12. Lukaret Series 4: Gillian, The Huntress by Camilla

Hindi alam ni Gillian kung bakit bigla na lang nawindang ang sistema niya nang makaharap niya si Hermes. Imposible namang love at first sight ang dahilan dahil hindi siya naniniwala roon. Kung nasa tamang pag-iisip lang siya ay titigil na siya sa pangungulit dito. Ngunit lalo lang siyang naengganyong ipagpatuloy iyon dahil noon lang siya nakakatagpo ng lalaking gusto niyang “ligawan.” At hinding-hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.

13. Cinderella 69: Marcela, The Charming Scoundrel by Cassandra

Hindi nakapiling ni Marcela ang kanyang mayamang ina. Bata pa lang siya nang iwan siya nito sa kanyang amang namayapa na. Ngunit kahit namumuhi siya rito, pumayag siyang makita ito nang malaman niyang may malalang sakit ito.
Hindi niya inasahang mahihirapan na siyang umalis ng bahay ng kanyang ina nang makilala niya ito. Tanggap siya ng pamilya nito. At masaya sana kung tanggap din siya ni Lucio, ang guwapong lalaking nagdala sa kanya sa kanyang ina. Gusto niyang mapalapit dito, pero tuwing gagawin niya iyon, “I don’t have time for this nonsense” ang madalas sabihin nito sa kanya.
Paano kung nalaman nitong umiibig siya rito? Iyon pa rin kaya ang sasabihin nito sa kanya?

14. Cinderella 70: Gilberta, The Lady Jeepney Driver by Claudia Santiago

Walang nagawa si Gilberta kundi tanggapin ang iniaalok na trabaho ni Cody Villafuerte na magpanggap siyang nobya nito pagkatapos mabingit sa kamatayan ang kanyang ina. Kapalit ng gagawin ay babayaran siya nito ng isang milyong piso. Nagbigay kasi ng ultimatum ang lola nito na kapag hindi ito nakapagpakilala ng matino at mabuting babae bilang nobya nito bago sumapit ang ikatatlumpung kaarawan nito nito ay hindi ipamamana rito ang inaasam nitong resort.
Buo ang paniwala nito na kapag nalaman ng pamilya nito na mahirap lamang siya at isa pang jeepney driver ay agad na babawiin ng lola nito ang ultimatum na ibinigay nito huwag lamang mapunta ang apo nito sa isang babaeng katulad niya.
Ganoon na lamang ang pagkagulat nila ni Cody nang magustuhan siya ng pamilya nito!

15. Fruitcakes Series 11: Agapito Romantiko by Rose Tan

Isang milyong piso. Iyon ang makukuha ni Tata kung lalayuan niya ang boyfriend niyang si Agapito. Pero kaya ba niyang i-give up ang super-bait, super-lambing, super thoughtful, super loving, at lahat ng super na binata? Isang mataginting na “oo” ang sagot.
Babaeng talipandas at mukhang pera, iyan ngayon ang tingin sa kanya ni Agapito. “Isang milyon? Iyon lang ang halaga ko sa iyo? Premyo lamang iyon sa mga game shows!”
At hindi raw siya patatawarin nito kahit kailan.

16. Braveheart Series 24: Xavier Escuadro (Gorgeous Reprobate) by Dawn Igloria

Unang kita pa lang ni Alexis kay Xavier ay kinilig na siya. Saksakan naman kasi ng gandang-lalaki ito. Ngunit unti-unting nawala ang kilig niya nang magkasama sila sa isang malayong bayan para i-solve ang isang puzzle.
“Wala kang pakinabang. Kumbaga sa doughnut, ikaw `yong gitna. At kumbaga sa sitsirya, ikaw `yong ang lalagyan, eh, hindi sinusulatan ng nutrition information dahil walang sustansiya,” pamumula nito sa kanya.
Ngunit sadyang mahirap i-resist ang charm nito. Dahil sa banding huli, hinahanap-hanap na niya ang mga pambubuska nito. Humahanga siya sa galing at talino nito.
At nang magkatotoo ang pagde-daydream niya na hinahalikan niya ito ay kinupkop ng puso niya ang pagmamahal dito. She was soaked in the bubbles of love when she felt that the feeling was mutual.
But something burst her bubbles. May girlfriend nap ala ito!

1. GEMS 40 Arrivederci, Roma by Martha Cecilia

Tinanggap ni Carlene ang roundtrip ticket to Europe mula sa granduncle niya upang maibsan ang lungkot na sanhi ng sabay na pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa Pendolino train patungo sa Rome ay nakilala niya si Daniel Herrera, a gorgeous young lawyer.
Carlene took a gamble. Tinanggap niya ang alok ni Daniel na samahan siya sa tour niya sa buong siyudad.
A touch, a smile, a gentle kiss, and historical Rome as backdrop, Carlene caught the deadly virus–she fell in love. And hard she did fall. Dahil ang lalaking iniibig niya ay pag-aari na ng iba.

2. Lukaret Series 6: Ang Text Squeeze Ni Babette by Camilla

Dahil nasuhulan ng kaibigan na si Snow ay pumayag si Babette na magkunwari bilang ito sa ka-eyeball na textmate nito. Nang makita niya si Che ay napanganga siya sa kaguwapuhan nito. He had the most beautiful soulfoul eyes she had ever seen! Diyata’t iyon na ang simula ng pag-ulan ng suwerte sa buhay niya?

3. Lukaret Series 7: Si Angelita Maldita 1 by Camilla

“Nagdududa na ako kung bakit galit na galit ka sa akin,” ani Warrior kay Angelita. Tumaas pa ang isang kilay nito. “Defense mechanism mo lang iyan dahil may gusto ka sa akin.”
Napaawang ang mga labi niya. “As if!”
Ngumiti ito, nanghahamon. “Gusto mong patunayan ko?”
Natigil siya sa pagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito. “`Patiwakal ka!”
He flashed a sexy smile. “Sure. Pagkatapos kitang halikan…”

4. Lukaret Series 8: Si Angelita Maldita 2 by Camilla

Ipinatawag si Warrior ng papa ni Angelita na si Gen. Galope. May importanteng bagay raw ito na sasabihin sa kanya.
“May napili na akong mapapangasawa ng unica hija ko. I believe he will make a good husband for her. And just to let you know na mabuting tao siya, inimbitahan ko siya rito sa bahay.”
Napamulagat siya. Lutang ang isip niya. Kasama nila sa bahay na iyon ang fianc‚ ni Angelita! At nagsimula siyang maghinala sa kasamahan niyang si Oca na mukhang crush ng dalaga. Pero bakit sa kanya unang nagpahalik si Angelita…?

5. Les Hommes d’ Affaires Series 1: Marvey Zablan by Sharmaine Galvez

Hindi makapaniwala si Apple na kasama niya sa Boracay si Marvey Zablan. Ang sabi nito ay mag-stay raw siya roon pagkatapos ng show niya kahit overnight lang para makapag-relax daw siya.
How could she say “no” to him? Ito ang newly appointed president and CEO of Zablan Music, ang kompanya kung saan siya nakakontrata bilang singer. Ipinakansela nito ang show niya sa Malate kinagabihan para mapapayag siya. Pinaalis pa nito ang private plane na dapat ay sasakyan niya pabalik sa Maynila kasama ang lahat ng production staff.
At the back of her mind, she knew he was up to something. Pero hindi na siya binigyan nito ng pagkakataong malaman kung ano iyon. Because he outrightly seduced her. At ang problema, nagpa-seduce naman siya.

6. Braveheart Series 25: Ymago Lopez (Billionaire’s Mission) by Dawn Igloria

Kung misyon ni Ymago na paibigin si Rowana, isinumpa naman ng dalaga na pagbabayarin niya ito sa ginawa nitong pakikialam sa love life niya na naging dahilan para iwan siya ng kanyang boyfriend.
Sa palagay niya ay natalo niya ito. Dahil nagawa niyang hindi siputin ito sa araw ng kanilang kasal. Ngunit may ibang agenda ang kapalaran sa kanilang dalawa–ang paglapitin sila by hook or by crook.
Sa pasikut-sikot, buhul-buhol at masalimuot na paraan ay nangyari nga ang nakatakda. Bago pa niya maisip kung anong epidemya ang tumama sa kanya ay nahulog na siya sa charm ng binatang bilyonaryo. Kaya lang ay nag-expire na ang interes nito sa kanya.

7. Stallion Series 28 (Batch 4): Daboi Bustamante by Sonia Francesca

Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahing na paminta—as in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto.
Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. Eh, hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang lingo?
Sobra naman yatang parusa iyon…


APRIL 16
1. PHR 2823 Ang Stalker Ni Rafael by Camilla

Charlize did all the crazy things for love, to the point she was practically stalking Rafael. And if he was disgusted with her, no one could really blame him.
Nang may mangyari sa kanila, umasa siya na magkakaroon ng improvement ang trato nito sa kanya, but she was wrong. Things became even worse, dahil bigla na lang itong nawala sa eksena, pushing her to do even more crazy things.
Ah, she would not give up on him. Kahit ipagtabuyan pa siya nito, nanatili siyang parang lintang nakakapit dito.
`Til one day, he said he loved her.
Maniniwala na ba siya?

2. PHR 2824 Dancing With The Wolf by Cora Clemente

Sa isang kisap-mata ay naglaho ang pagiging buhay-prinsesa ni Crystal at ng kanyang mga kapatid. Iisa lamang ang sinisisi niya sa lahat ng pangyayaring iyon—ang pamilya Romano. Ipinangako niya sa sarili na mulig ibabangon niya ang kanyang pamilya.
Hanggang sa makilala niya si Fritz. At sa tulong na iniaalok nito ay naisip niyang malaki ang magagawa nito sa kanyang misyon. Kaya kahit hindi niya mahal ito ay napilitan siyang sagutin ito.
Pero nagulo ang lahat ng plano niya nang magkrus ang mga landas nila ni Sonny—ang lalaking nagpatunay sa kanya na totoo ang sinasabing love at first sight. Hindi niya na-resist ang malakas na karisma nito.
Ngunit paano niya tatanggapin ang kanyang natuklasan na malaki ang kaugnayan ni Sonny sa pangit na nakaraan ng kani-kanilang mga pamilya? Sapat ba ang pag-ibig nila para sa tuluyang paglimot at pagpapatawad?

3. PHR 2825 My Other Half by Armie Jane

Hindi lang si Xandra kundi pati ang mga kasamahan niya sa SkyHigh, ang naku-curious na sa kanyang secret admirer na walang palya kung magpadala sa kanya ng roses and chocolates at e-mails na nagpapahayag ng pag-ibig. He was hiding his identity in the initials “Y.O.H”.
Nagprisinta ang dalawang kaibigan niya na alamin kung sino sa mga kasamahan nilang lalaki ang may ganoong initials. Ngalingaling sabihin niyang sana ay ang isang kasamahan nilang si Drew Patrick Eroles ang kanyang secret admirer pero napakalayo ng initials nito. Crush kasi niya ito.
Hanggang sa makatanggap siya ng isang napakandang tula na maghahayag na ang secret admirer niya ay nasa tabi-tabi lang…

4. PHR 2826 Inagaw Na Pangarap by Laurice del Rio

Sa pagbabalik-bayan ni Francine ay nalaman niyang may malubhang karamdaman ang kaibigan niyang si Lindsay. Sa kabila ng katotohanang tiyak na magkukrus ang mga landas nila ni Keith—ang lalaking minahal niya noong teenager pa lamang siya—dahil kasintahan ito ngayon ng kaibigan niya, pinuntahan pa rin niya si Lindsay para makumusta ito at malaman niya ang kalagayan nito.
Gaya ng inaasahan niya, nagkita nga uli sila ni Keith.
Ang masaklap pa, ang damdaming iniukol niya kay Keith noon at ipinagpalagay niyang bahagi na lamang ng kanyang kamusmusan ay naroon pa rin pala. Nagpaparamdam iyon, pumipintig, at parang napakahirap pigilan…

5. PHR 2827 Natalie’s Romance by Vanessa

Limang taon na ang nakalipas mula nang makilala ni Natalie ang isang lalaking nagpakilala sa kanya bilang “Armando.” Hindi niya nagawang malimutan ito. Ang lugar kung saan niya unang nakilala ito ay binabalik-balikan pa rin niya kahit wala nang bakas ang dating pinagtatrabahuhan ng lalaki roon. Sinabi niya sa kanyang sarili na kailangan na niyang tigilan ang kahibangan niya. Kailangan na niyang kalimutan ang lalaking labis na nakapukaw sa kanya.
Pero nang muling nagpakita ito sa kanya, ay may babae na itong handa nitong pakasalan…

6. PHR 2828 Luntiang Pag-ibig Para Kay Jimeno by Cassandra

Pinagtataguan ni Luntian ang kanyang mga magulang at ang lalaking pilit na ipinapakasal sa kanya. Iyon ang ginamit niyang hakbang para mailapit ang sarili kay Jimeno, ang lalaking totoong itinatangi niya. Sa tulong ng lolo niya na kaibigan nito ay nagawa niyang tumira sa bahay nito.
Nagpapansin agad siya rito. Pero kahit anong pagpapa-cute ang gawin niya ay walang epekto rito ang alindog niya. Wala siyang nakikitang senyales na maaaring mahal na rin siya nito. Nakakapagod din pala ang magpadama ng pagmamahal.
Paano niya maaabot ito kung sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ito ay napipikon ito?

7. Les Hommes d’ Affaires Series 2: JP Moralde by Sharmaine Galvez

Simple lang ang buhay para kay Pamela at sa kapatid niyang si Atong. Nagluluto siya ng binatog at cornick at iyon ang itinitinda nila. Hanggang dumating sa buhay nila si JP Moralde. Inalok siya nito para maging supplier ng cornick para sa tindahan nito. Siyempre pa’y pumayag siya dahil karagdagang kita rin iyon para sa kanya.
Ang akala niya ay business relationship lang ang namamagitan sa kanila. Pero hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya rito. At hindi nakatulong ang isa pang business proposal nito sa kanya.
“Payag ka bang maging supplier ko ng halik?”

8. Stallion Series 29: Gianpaolo Aragon by Sofia

Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.
Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu.
Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?

9. Stallion Series 30: Angelo Exel Formosa by Sonia Francesca

Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo.
Si Angelo Exel Formosa.
Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik na puso niya. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap…
Teka, hindi ba’t in love na siya sa iba?

10. Señorito Series 12: Marciano by Rose Tan (Special Edition)

Para pagbigyan ang kanyang lolong may karamdaman, umuwi sa kanyang hometown si Marciano. Patay na ito pagdating niya at nag-iwan ng holographic will: Sa kanya iiwan ang lahat ng ari-arian nito kung mananatili siya sa hometown nito para tulungan at tiyaking mananalo sa halalan si Atty. Dioscora Tubigan.

1. PHR 2829 How Could Your Love Be So Blind? by Camilla

Andrew met the mysterious Lucilla Amante when his life was at its lowest. Fresh from the betrayal of his fiancée, he didn’t know how to start picking up the pieces of his broken life. Nag-alok ng tulong si Lucilla at muli siyang nakabangon dahil doon. Ngunit naglaho na lang ito sukat.
Now she was back. Tulad niya ay nasaktan din ito nang labis. Kaya magsasanib-puwersa sila upang singilin ang mga nagkasala sa kanila.
But falling in love with each other was definitely not a part of the revenge scheme…

2. PHR 2830 Paradise Keeper by Dawn Igloria

Dahil sa sama ng loob sa kanyang ina, ora-oradang tinanggap ni Xyza ang trabaho sa isang isla. She fell in love with the place. Parang isang island paradise iyon.
Ayos na sana ang lahat, kahit ipinaglihi pa sa kasungitan ang may-ari niyon na si Trent del Fierro. Ang kaso, na-in love siya rito. Worse, nabisto nito ang lihim na pag-ibig niya rito.
The knowledge became his ticket to taunt her. Lagi itong nagpapasaring na tila natutuwa itong mapahiya siya. Naiinis naman siya sa kanyang sarili. Dahil sa halip na ma-turn off siya rito ay lalo lamang niyang minamahal ito.
Isang araw, nakasilip siya ng katiting na pag-asa na baka mahal din siya nito. She tested him. Pinagselos niya ito. Ngunit nag-backfire iyon sa kanya nang may mangyari sa kanila. Dahil nilayasan siya nito.
Ngayon lamang niya na-realize kung ano ang magagawa niya sa ngalan ng pag-ibig. Dahil naghintay siya sa walang-katiyakang pagbabalik nito.

3. PHR 2831 Your Love Is Better Than Lollipop by Claudia Santiago

Dahil sa singsing na ipinasuot kay Mariana ng kaibigang si Janus, inakala ng pamilya nito na siya si Marina, ang fiancée nito. Iyon ay pagkatapos na magkaroon ng sunog at lumubog ang barkong sinasakyan nila ni Janus.
Nang muli siyang balikan ng ulirat ay nasa isang ospital na siya. Nakaharap niya si Johan, ang kakambal ni Janus. Kung ang kaibigan niya ay madaling tumawa at happy-go-lucky, nakakatakot naman ang pagiging sobrang istrikto at suplado ni Johan. Magkagayunpaman, napakalakas ng impact nito sa kanyang puso na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Janus.
Hindi pa matiyak kung nakaligtas sa trahedya si Janus dahil hindi pa nakikita ang katawan nito. At dahil wala siyang kakilala sa Maynila at sa takot na mapag-isa ay pinanindigan na lamang niya ang paniwala ng mga itong siya ang nobyang pakakasalan ni Janus.
Ngunit hindi niya inaasahang iibig siya sa kakambal ng kanyang kaibigan…

4. PHR 2832 Hearts Aflame by Noelle Arroyo

Isa lamang si Kian Borromeo sa mga lalaking naakit kay Morena pero ito lang ang tanging nagpakaba sa kanya sa paraang hindi pa niya naramdaman kahit kailan. Sa kabila niyon, iba ang dahilan kung bakit sumama siya rito sa San Marcillano. May kinalaman iyon sa ama at mga kapatid niya na walang alam tungkol sa kanya.
Pero sa San Marcillano ay natuklasan niyang may mga damdaming hindi puwedeng labanan ng pag-iingat at pagtikis sa sarili. Hindi niya kayang iwasan ang damdamin niya para kay Kian.
Ang kapalit ba niyon ay masira niya ang pamilyang maaaring mabuwag kapag natuklasan ng mga ito kung sino talaga siya?

5. Modern Girl 31: Of Love, Cats, And Cherry-pops by Camilla

My name’s Kiki. Isa-isahin natin ang mga kabuwisitang nangyayari sa buhay ko lately:
1.) Bigla na lang naging laman ng isip ko si Carlitos—that guy who popped my cherry.
2.) My gay friend, Bruno, set me up on a date with his cousin, who stood me up.
3.) Someone anonymously gave me a creepy-looking kitten na pinangalanan kong “Death Threat.”
4.) Nang ma-meet ko si Dr. Robin Asuncion, ang guwapong veterinarian ni Death Threat, saka naman muling sumulpot sa buhay ko si Carlitos.
5.) Carlitos turned out to be Bruno’s cousin na nang-indiyan sa akin!
6.) Just as things are going cool between Dr. Asuncion and me, saka naman babawiin si Death Threat ng tunay na owner nito—si Carlitos, who else!
7.) Finally, obsessed yata ako sa 7.5-inch toot ni Carlitos…

6. Calle Pogi Series 1: Buwi by Sonia Francesca

Kelly hated playboys. Kaya nga mainit ang dugo niya sa kapitbahay niyang si Buwi. Paborito niyang ireklamo ito sa barangay nila for indecent display of a killer body. Yeah, well, it was true. He had a killer body. Anyway, hot bod aside, she didn’t like him.
Pero ano itong nararamdaman niya tuwing nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga babae? Naiinis siya. Gusto niyang sabunutan ang mga iyon at ibalot naman ng makapal na tela si Buwi. Ibig bang sabihin niyon ay nagkakagusto na rin siya sa isang playboy?
But she hated playboys…

1. Stallion Series 31: Thyago Palacios by Sofia

Liyah’s idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal nito, gumuho ang paghanga niya rito.
Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact he was a terrible playboy. Malayung-malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal…

2. Stallion Series 32: Icen Villazanta by Sonia Francesca

Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kani-kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din naman kasi sila noon ng kasunduan na walang sinuman ang makakapagdikta sa kanila sa kung sino ang pipiliin nilang mahalin at makasama habang-buhay. Ngunit kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap.
Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice.
“I want you to meet Erica.”
“Why?”
“`Coz I’m gonna ask her to marry me.”
Ngumiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.

3. Stallion Series 33: Hayden Anthony Ilano by Sofia

Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.
“I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako,” pakiusap nito.
Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?

4. PHR 2833 It’s Time You Loved Me, Too by Camilla

Sa una pa lamang na pagkikita nila ay humanga at na-challenge na si Sherma kay Steven. Bale-wala sa kanya kung lantaran siyang sinupladuhan, binara, iniwan nito. Kung anu-ano pang bagay ang ginawa nito sa kanya na noon lamang niya naranasan mula sa kahit sinong tao. Tinawag pa nga siya nitong “surot.”
But she succeeded in seducing him, all right. Ngunit tila bulang bigla namang naglaho ito.
Limang taon ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya para dito. Nasaktan siya sa ginawa nito sa kanya noon. Pero ang sugat pala ay totoong gumagaling sa paglipas ng panahon. Nang gumaling iyon, pag-ibig pa rin para dito ang natira. Ang pag-ibig na iyon ang dahilan kung bakit kahit maraming nagtangkang makapasok sa buhay niya ay walang nagtagumpay ni isa. Okupado pa rin ni Steven ang kanyang puso.
Pero sadya yatang hindi sila ang magkapalad. Nabalitaan kasi niyang ikakasal na ito sa pinsan niya…

5. PHR 2834 `Di Ako Makapaniwala by Bernadette Licarte

Peggy thought her life was so dull, that she was not too beautiful to be pursued. Isang araw ay nakaharap niya nang personal si Ram Ilustre, ang guwapong biyudo na bagong may-ari ng park na pinagtatrabahuhan niya. Inalok siya nito na magtrabaho rito bilang personal assistant. Natuwa siya.
Agad ding naglaho ang tuwang iyon nang malaman niya ang totoong rason ng pagkuha nito sa kanya. Hindi pala siya aasiste rito kundi sa anak nito. In short, magiging glorified “yaya” siya. Pikit-mata pa ring tinanggap niya ang alok nito. Hindi kasi niya mapigilan ang puso niyang tumitibok para dito.
Pero isang araw ay kinausap siya nito at sinabi sa kanya ang mga katagang “I like you.” Dapat ba siyang maniwala?



website: www.pinoypocketbooks.com

2 Responses to April 2008 PHR Pocketbook Release

  1. antoinette says:

    hello po.. sino po ba may contact kay miss sharmaine galvez.. super need ko po tulong niyo ma’am.. sana visit niyo aku sa facebook: kramtena08@yahoo.com may itatanong lang po ako sa inyu tungkol sa book 2 nang UNTIL FOREVER 2. please po.. salamat po..

  2. uhrie says:

    sana mging primetime ang stallion riding club series…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: