March 2008 PHR release

// <![CDATA[//

MARCH 5

1. PHR 2798 You And No Other by Cora Clemente

Judith’s young heart loved Alfred. He made her dream. He changed her dull life. Pero dumating ang isang pangyayaring kinailangang magparaya ang pagmamahalan nila. Idagdag pang ayaw na ayaw sa kanya ng mayamang lola nito. Hanggang magkahiwalay sila.
Akala niya ay kaya niyang kalimutan si Alfred sa pagdaan ng mga taon. Ngunit bakit naroon pa rin ang sakit na may kasamang kabog ng dibdib sa muling pagkikita nila?

2. PHR 2799 Mindy’s Romance by Vanessa

Sa unang pagkikita pa lamang nina Mindy at Benki ay alam na ni Mindy na hindi maganda ang impresyon sa kanya ng binata. Sa katunayan ay sinabi nito mismo iyon sa kanya. Pakialamera at tsismosa daw siya. Siya ay may impresyon din dito. Mayabang, sanggano, at animo kung sino ito.
Dahil mag-asawa ang ex-girlfriend nito at ang best friend niya–ang lalaking lihim na minamahal niya–ay hindi maiwasan na nagkakasama sila. Wala silang pagtatagpong naging maganda para sa kanya…
Hanggang sa kinailangan niya ang tulong nito dahil may masamang balak sa kanya ang obsessed na manliligaw niya. Hindi naman ito nagkait ng tulong. Isinama siya nito sa probinsiya, kung saan kinailangan niyang magpanggap bilang nobya nito sa lola nitong tulad nito ay mainit din ang dugo sa kanya.
Pero bakit apektado siya gayong pekeng nobya lang naman siya?

3. PHR 2800 Maibabalik Ba Ang Kahapon? by Claudia Santiago

Napilitan si Judy na pumasok sa mundo ng showbiz upang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang ina. Inunawa naman siya ng kanyang nobyong si Chino. Ngunit dumating sa puntong nagawa niyang itatwa ito upang pangalagaan ang loveteam nila ni Richard Mendrez. Bunsod niyon, nagkahiwalay sila ni Chino.
Sa paglipas ng panahon ay naging kasintahan niya si Richard. Ngunit nang malapit na silang ikasal ay nahuli niya itong kaulayaw sa kama ang kaibigan niya. Ang masakit, alam pala ng kanyang ina ang tungkol doon. Hindi nito ipinaalam iyon sa kanya dahil hindi nito gustong masira ang career niya kapag nakipaghiwalay siya kay Richard.
Hindi niya nakayanan ang pagtatraidor na iyon. Hanggang sa ang paglalasing niya ay nauwi sa isang malagim na aksidente.
Hindi niya inaasahang si Chino ang unang taong dadamay sa kanya. Noon niya napagtanto kung ano ang pinakawalan niya.
Mabigyan pa kaya siya ng pangalawang pagkakataon para dugtungan ang kanilang kahapon?

4. PHR 2801 Addicted To Love by Sonia Francesca

Saia and Hadji started out as enemies–well, at least on Saia’s part–dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa’t isa.
Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren’t really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang.
Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?

5. PHR 2802 Does Your Heart Still Break? by April Gonzaga

Nang tanggihan ni Fenny ang alok ni Edwin na kasal ay agad itong umalis at nangibang-bansa. But what if she had been wrong to turn him down? Nang mabalitaan niya ang tungkol sa isang painting contest na magdadala sa mananalo sa Slovenia, sa bansang pinuntahan ni Edwin, ay agad siyang sumali. She was determined to look for him again, and win him back.
Doon niya nakilala si Shan Timothy Reyes, isang Filipino businessman na nag-alok na tulungan siyang hanapin ang kanyang nawawalang nobyo. Kung siya ay pumunta sa bansa na iyon para hanapin ang taong mahal niya, nagpunta naman doon si Shan para limutin ang babaeng laman ng puso nito.
But what if true love wasn’t where she originally thought it was? What if the one she actually needed, wasn’t the person she was searching for?

6. PHR 2803 Meymey’s Romance by Vanessa

Pangarap ni Meymey sa buhay ang yumaman kahit sa hindi eksaktong magandang paraan. Pero may plano na ang tadhana sa kanya, at iyon ay ang biglaan siyang gawing multimilyunarya.
Ang kaso ay may pagpipilian siya: ang pakasalan ang lalaking tutulong sa kanya kapalit ng pakikihati nito sa kayamanang namana niya o sarilinin ang pamamahala sa malaking kompanya at bayaran ang lalaking iyon nang milyones.
Pinili niya ang una.
Ang akala niya ay wala na siyang magiging problema, na kasal lamang sa papel iyon at hindi siya lugi sapagkat mahusay sa negosyo, matalino, at edukado si Nick, ang lalaking pinakasalan niya…
Pero babaero pala ito. Bakit siya apektado gayong sa papel lang sila kasal?

7. PHR 2804 Fool Me Once, Fool Me Twice by Camilla

Hindi alam ni Lia kung paano magre-react nang muling makita niya ang lalaking inibig at dumurog sa puso niya–si Chester. Kapatid ito ng babaeng nabuntis ng kapatid niya. Nasa rest house siya ngayon na pag-aari ng pamilya nito. “Kinidnap” siya ng kapatid nito dahil hindi nagpapakita rito ang kapatid niya.
Kung inakala niyang makakaalis na siya roon ay nagkamali siya. Hindi raw siya makakaalis doon hangga’t hindi nakikipag-communicate ang kapatid niya.
Sa ilang araw na magkasama sila ni Chester ay may takot na bumangon sa kanya–na baka mahulog siya sa charm nito…

8. PHR 2805 From Now Until Forever by Amanda

Honest mistake ang nangyari nang magkamali si Helena na pumasok sa cabin ni Nick sa pag-aakalang iyon ang cabin na inookupa ng pinsan niya. To make matters worse ay naipagkamali siya nito na isang hospitality girl na ipinadala ng kaibigan nito.
Nagsimula sa isang pagkakamali ang lahat na nauwi sa pagiging magkaibigan ng dalawa. Ang inakala ni Helena na walang modong lalaki ay mabait din naman pala. Ngunit nang magkumpisal na ng pag-ibig sa kanya si Nick ay nag-iba na ang istorya. Ipagpapalit ba niya si Jack na kasintahan niya kay Nick na noon lang niya nakilala? Paano kung pinaglalaruan lang pala ni Nick ang damdamin niya?

9. Black Bureau Elite Series 1: Back In My Arms Again 1 (Agent Wire) by Noelle Arroyo

Hindi alam ni Cassie kung ano ang kanyang pinasok noong makilala niya si Rourke La Guardia at ma-in love siya rito. Sa simula ay wala siyang naranasan kundi pagkapahiya at sama ng loob dahil sa pagiging mailap nito.
Pero natuklasan niyang hindi pala siya nag-iisa sa kanyang nararamdaman—he was experiencing it, too. Siya naman ang nag¬pakipot noong unang magtapat ito—dahil hindi niya gustong nang dahil sa bugso ng damdamin ay mapasubo ito sa isang relasyong hindi naman nito talaga desididong pasukan dahil sa dedikasyon nito sa family business ng mga ito.
Pero sinubukan nilang magsimula, sa kabila ng alam niyang problema.
Pero may lihim pala ang binata na mas matindi ang magiging epekto sa kanilang bagung-bagong relasyon…

10. Black Bureau Elite Series 2: Back In My Arms Again 2 (Agent Wire) by Noelle Arroyo

Naghiwalay ang mga landas nina Cassie at Rourke. Pero hindi naging hadlang ang hidwaan ng kanilang mga damdamin sa nakaraan para ganap na makalimutan nila ang isa’t isa. Muli ay nagtagpo sila, at muli ay naranasan nilang buhay pa iyong kakaibang dam¬daming taglay nila para sa isa’t isa noon.
And then, another tragedy struck. Na-kidnap si Cassie.
At habang hinahabol niya ang oras para mailigtas ang babaeng kanyang pinakamamahal, isinumpa ni Rourke sa kanyang sarili na mabawi lamang niya ito, walang kahit ano ang muli ay aagaw rito sa kanyang buhay…

11. Lukaret Series 3: Conquering Cheska by Camilla

Dahil sa obsessed na ex-boyfriend ay napilitang makitira ni Cheska sa bahay ni Marcus. Maayos naman ang lahat sa pagitan nila. Crush niya ito noon but she had long outgrown it… or so she thought. Until something happened one night. At kinumpirma niyon ang katotohanan na hindi pa nga niya nakakalimutan ang pagsintang-purorot niya para dito.

12. Lukaret Series 4: Gillian, The Huntress by Camilla

Hindi alam ni Gillian kung bakit bigla na lang nawindang ang sistema niya nang makaharap niya si Hermes. Imposible namang love at first sight ang dahilan dahil hindi siya naniniwala roon. Kung nasa tamang pag-iisip lang siya ay titigil na siya sa pangungulit dito. Ngunit lalo lang siyang naengganyong ipagpatuloy iyon dahil noon lang siya nakakatagpo ng lalaking gusto niyang “ligawan.” At hinding-hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.

13. Cinderella 69: Marcela, The Charming Scoundrel by Cassandra

Hindi nakapiling ni Marcela ang kanyang mayamang ina. Bata pa lang siya nang iwan siya nito sa kanyang amang namayapa na. Ngunit kahit namumuhi siya rito, pumayag siyang makita ito nang malaman niyang may malalang sakit ito.
Hindi niya inasahang mahihirapan na siyang umalis ng bahay ng kanyang ina nang makilala niya ito. Tanggap siya ng pamilya nito. At masaya sana kung tanggap din siya ni Lucio, ang guwapong lalaking nagdala sa kanya sa kanyang ina. Gusto niyang mapalapit dito, pero tuwing gagawin niya iyon, “I don’t have time for this nonsense” ang madalas sabihin nito sa kanya.
Paano kung nalaman nitong umiibig siya rito? Iyon pa rin kaya ang sasabihin nito sa kanya?

14. Cinderella 70: Gilberta, The Lady Jeepney Driver by Claudia Santiago

Walang nagawa si Gilberta kundi tanggapin ang iniaalok na trabaho ni Cody Villafuerte na magpanggap siyang nobya nito pagkatapos mabingit sa kamatayan ang kanyang ina. Kapalit ng gagawin ay babayaran siya nito ng isang milyong piso. Nagbigay kasi ng ultimatum ang lola nito na kapag hindi ito nakapagpakilala ng matino at mabuting babae bilang nobya nito bago sumapit ang ikatatlumpung kaarawan nito nito ay hindi ipamamana rito ang inaasam nitong resort.
Buo ang paniwala nito na kapag nalaman ng pamilya nito na mahirap lamang siya at isa pang jeepney driver ay agad na babawiin ng lola nito ang ultimatum na ibinigay nito huwag lamang mapunta ang apo nito sa isang babaeng katulad niya.
Ganoon na lamang ang pagkagulat nila ni Cody nang magustuhan siya ng pamilya nito!

15. Fruitcakes Series 11: Agapito Romantiko by Rose Tan

Isang milyong piso. Iyon ang makukuha ni Tata kung lalayuan niya ang boyfriend niyang si Agapito. Pero kaya ba niyang i-give up ang super-bait, super-lambing, super thoughtful, super loving, at lahat ng super na binata? Isang mataginting na “oo” ang sagot.
Babaeng talipandas at mukhang pera, iyan ngayon ang tingin sa kanya ni Agapito. “Isang milyon? Iyon lang ang halaga ko sa iyo? Premyo lamang iyon sa mga game shows!”
At hindi raw siya patatawarin nito kahit kailan.

16. Braveheart Series 24: Xavier Escuadro (Gorgeous Reprobate) by Dawn Igloria

Unang kita pa lang ni Alexis kay Xavier ay kinilig na siya. Saksakan naman kasi ng gandang-lalaki ito. Ngunit unti-unting nawala ang kilig niya nang magkasama sila sa isang malayong bayan para i-solve ang isang puzzle.
“Wala kang pakinabang. Kumbaga sa doughnut, ikaw `yong gitna. At kumbaga sa sitsirya, ikaw `yong ang lalagyan, eh, hindi sinusulatan ng nutrition information dahil walang sustansiya,” pamumula nito sa kanya.
Ngunit sadyang mahirap i-resist ang charm nito. Dahil sa banding huli, hinahanap-hanap na niya ang mga pambubuska nito. Humahanga siya sa galing at talino nito.
At nang magkatotoo ang pagde-daydream niya na hinahalikan niya ito ay kinupkop ng puso niya ang pagmamahal dito. She was soaked in the bubbles of love when she felt that the feeling was mutual.
But something burst her bubbles. May girlfriend nap ala ito!

MARCH 12
1. PHR 2806 Ten Days by Camilla

Na-highblood agad si Rae nang makaharap ang drop-dead gorgeous na si Lt. Gregorio Quinita, Jr. isang sundalong temporarily suspendi sa serbisyo. Napagkamalan siya nitong pokpok! Pero sa halagang tatlong daang piso, napapayag naman siya nitong i-“table” kasama ang mga kaibigan nito.
Hindi niya alam na iyon ang simula ng pagganap nito sa isang napakaimportanteng role sa buhay niya—that of a partner sa isang tila larong bahay-bahayan…

2. PHR 2807 Ang Pangarap Ni Ana by Vanessa

Ang pangarap ni Ana ay ang makapag-Japan nang sa ganoon ay matulungan niya ang kanyang pamilya. Sayang naman ang sa palagay niya ay nag-uumapaw na talento niya. Ngunit wala siyang pang-placement fee kaya hindi siya makaalis.
Nakakita siya ng solusyon kung paano matutupad ang kanyang pangarap: ang manghiram ng pera sa kanyang boss na si Amador; tutal naman ay mayroon itong napakalaking pabor na hiningi sa kanya. Sa tagal ng pangungumbinsi niya rito ay napapayag din niya ito. Ang kaso, mientras lumalapit ang araw ng kanyang pag-alis ay parang naiiba na ang kanyang pangarap…. Parang mas gusto na niyang manatili na lamang sa bansa at pangarapin nang gising si Amador…

3. PHR 2808 Proud Hearts by Dream Grace

Nauwi sa matamis na relasyon ang parang aso’t pusang pagbabangayan nina Gail at Pride. Kung noon ay pulos maaanghang na salita ang ipinupukol nila sa isa’t isa, ngayon ay walang araw na hindi nila sinasabi kung gaano nila kamahal ang bawat isa.
Isang araw ay biglang nagpaalam ito na aalis. Sa Amerika na raw ito magpapatuloy ng pag-aaral. Walang kasiguruhan kung babalik pa ito sa piling niya kaya nagpasya siyang ipagkaloob dito ang kanyang pagkatao.
At nahuli sila ng kanyang mga kuya.
Nagalit si Pride at pinagbintangan siyang s-in-et up niya ang lahat. Umalis itong napopoot sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nagbabalik ito sa kanya. Mapanindigan pa kaya niya ang galit niya rito kapag nalaman na niya ang buong katotohanan sa paglisan nito noon?

4. PHR 2809 Pasaway Na Puso by Laurice del Rio

Patuloy na nakikipagkita si Aville kay Justin kahit alam niyang nakatakda na itong ikasal sa anak ng matalik na kaibigan ng papa niya.. Isang senador ang kaibigan ng papa niya at hiniling nito na sana ay huwag siyang gumawa ng kahit anong maaaring makaeskandalo rito o sa pamilya nito.
Desperado na ang papa niya kaya para mapatahimik siya kahit sandali ay ipinadukot siya nito sa inaanak nito na si Tristan. Pansamantala siyang dinala ng lalaki sa isang liblib na lugar.
Galit na galit siya kay Tristan dahil sa pakikikuntsaba nito sa papa niya. She swore to make him pay. Pero mukhang siya ang malalagay sa alanganin dahil biglang may di-maipaliwanag pero napakatinding atraksiyon na nadama niya para dito.
She thought he felt the same way but when they got back to the city, she discovered how wrong she was. May ibang babae pala sa buhay nito…

5. PHR 2810 Your Love Is Better Than Pancit Miki by Claudia Santiago

Ang mga katagang iyon ang binitiwan ni Brody kay Kookai nang huli silang magkita pagkatapos niyang muling tanggapin ang nobyong si Troy sa kabila ng panloloko nito. Mula noon ay hindi na nagpakita pa sa kanya si Brody.
Nang muling magtagpo ang mga landas nila ay hindi na siya ang dating masayahin at puno ng buhay na si Kookai. Tama ito. Dahil iniwan din siya ni Troy at muling ipinagpalit sa iba. Ngayong magkaharap na uli sila ni Brody ay hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya rito.
Pero higit siyang nasorpresa na sa kabila ng lahat ay ito pa rin ang dating Brody na nagmamahal sa kanya…

6. PHR 2811 Tall, Dark And Gorgeous by Jasmine Esperanza

Nang una pa lamang masilayan ni Adrian si Jackie ay nabighani na siya sa angking kagandahan nito. Sinuyo niya ito. Nagkalapit sila. Hanggang sa may mangyari sa kanila.
Pero nang magparinig ito na tipong gusto na nitong magpakasal, bigla ay natigilan siya.
Ilang araw na hindi ito nagpakita sa kanya, pero ano’t hinahanap-hanap naman niya ito.
Mukhang ito na ang babaeng magtatali sa kanya.
Ngunit laking gulat niya nang puntahan niya ito ay may ibang lalaki na nagpo-propose dito ng kasal…

7. PHR 2812 Lemonade’s Romance by Vanessa

Kailangan ni Lemonade na makatakas sa pamilya niya at sa lalaking ipinagkakasundo ng mga ito sa kanya. Isa lamang ang kapalit ng tulong na dumating sa kanya para magawa iyon: ang magpanggap siyang isang kapuspalad na kawaksi.
At ang kanyang amo ay walang iba kundi si Alejandro, a simple and sweet farm boy.
Nahulog ang loob niya rito.
Alam niyang mali ang sumisibol na damdamin niya para ditto. She was going to leave that place soon. At ito naman ay alam niyang mayroon ding ibang gustong babae.
Ngunit hindi sinasadyang may namagitan sa kanila…

8. Black Bureau Elite Series 3: My Kind Of Guy (Agent Einstein) by Noelle Arroyo

Lumaking ulila sa mga magulang si Daena. Sa kabila niyon, napalaki siya nang maayos ng kanyang ninang na librarian bago namatay ito. Ngayon, bilang librarian sa technical library ng isang malaking kompanya ng computer software at avid reader ng romance-adventure genre, ang buong akala niya ay tanging sa pangarap na lang niya matitikman ang isang buhay na kasingkulay at kasingkapeligroso ng kanyang mga nababasa.
O kasintamis—pero ang paniwala niya, sa pangarap lang talaga iyon.
Sa mga librong nababasa lang niya matatagpuan ang isang lalaking puwede niyang ihalintulad sa mga heroes doon. Hindi niya inakalang mangyayari sa kanya ang kanyang pangarap.
Nakilala niya si Lawrence Contreras, Agent Einstein ng Black Bureau Elite.

9. Black Bureau Elite Series 4: His Raine To Protect (Agent Trail) by Noelle Arroyo

Na-assign si Miguel Duarte aka Agent Trail sa pagbibigay ng surveillance at proteksiyon sa walang-kamalay-malay na si Raine Salvador at sa dalawang taong gulang na pamangkin nito, si Shan¬na. Pinatay ang mga magulang ng bata na kilalang mga computer geniuses. Isang microchip kung saan nakalagak ang huling mahala¬gang project ng mga ito ang nawawala. Hinala ng Black Bureau, nakatago kay Shanna ang microchip kaya namemeligro ang buhay ng magtita sa isang sindikatong malaki ang interes sa naturang microchip.
Pero sa larawan pa lang ng magandang dalagang painter ay nakompromiso na agad si Miguel sa assignment.
At habang tumatakbo ang surveillance, anuman ang gawin ng seasoned agent, hindi pa rin niya magawang mapigilan ang unti-unting pagkahulog niya sa dalaga…

10. Lukaret Series 5: Teacher Avi’s Chemistry Experiment by Camilla

Sa unang engkuwentro pa lang nilang engkuwentro ay na-curious na si Avi kay Jason. He had that faraway look in his eyes. He seemed so sad. Pero nang makilala niya ito ay nalaman niyang masayahin naman pala ito. Sa kabila ng pulos disgrasyang hatid niya rito, Jason stuck around. Pero OA na yata na bantayan siya nito sa pakikipag-date sa ibang lalaki! Subalit kung ang pagbabasehan ay ang little “chemistry experiment” na ginawa nito sa kanya, well, masasabi niyang may karapatan itong “bakuran” siya…

11. 18 Roses Series 27: Pauline: Desert Rose by Cora Clemente

“Walking Whale”—ito ang bansag kay Pauline sa kanilang campus dahil sa kanyang pagiging malusog. Okay lang naman sa kanya iyon dahil marami ang nagsasabi sa kanyang sapat na ang pagkakaroon niya ng napakagandang mukha para mapagtakpan ang para sa marami ay kapintasan niya.
Subalit ang hindi niya napalampas, pati ang greatest crush niyang si Levan ay mukhang pinagtatawanan din ang pagiging mataba niya. Ngunit agad din namang itinuwid nito ang maling akala niya. Iyon pa ang naging dahilan upang maging malapit sila sa isa’t isa.
Pero nang dahil sa kanyang kuwintas na napulot nito ay biglang dumistansiya ito at tuluyang lumayo sa kanya na labis na ipinagtaka niya.
Sa muling pagkikita nila, hindi lang magandang mukha ang taglay niya kundi seksing katawan. At ipamumukha niya sa Levan na ito na pagsisisihan nito ang biglang paglayo nito sa kanya.

12. MLB 203 Lillah & Elyon by Camilla

Mahal ni Lillah si Elyon Carbonell pero tutol ang ama nito sa kanya para mapangasawa nito. Ilang beses nang hindi natuloy ang kasal nila dahil na rin sa manipulasyon niyon. Lahat ng paninindak sa kanya ay ginagawa ng matandang Carbonell para huwag silang magkatuluyan ng binata kaya pikit-matang nakipagkalas siya rito para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
May pag-asa pa bang maging bride siya ni Elyon Carbonell?

MARCH 20

1. PHR 2813 Love’s Chances by Noelle Arroyo

Heartbroken si Kaylee nang makilala niya sa unang pagkakataon si Corbin. Tinarayan niya ito sa pag-aakalang kagaya ito ng mayamang lalaking sumugat sa puso niya. Pero napahiya siya nang sumunod na araw ay nalaman niyang mabuting tao pala ito. At gusto raw talaga nitong makilala siya.
Ipinangako niya sa sarili na sa susunod na magkita sila ay hihingi siya ng dispensa rito at tatanggapin niya ang pakikipagkilala nito. Pero nang dumating ang araw na iyon ay nagdalawang-isip siyang ituloy ang balak niya dahil wala siyang makitang anumang bahid ng rekognisyon sa mukha nito para sa kanya…

2. PHR 2814 Pen-pen’s Romance 1 by Vanessa

Umibig si Pen-pen sa isang lalaking bawal niyang mahalin–si Martin, ang lalaking pakakasalan ng amo niyang si Lemonade. Mabait ang pamilya nina Lemonade at matagal na siyang kasambahay at katiwala ng mga ito. Ayaw sana niyang mahalin si Martin ngunit kusang sumibol ang pagtingin sa puso niya. Iiwasan sana niya ang lalaki ngunit ito ang kusang lumapit sa kanya, tila gustong tudyuhin siya, ilapit sa kanya ang bawal.
At mabilis siyang natukso…

3. PHR 2815 Pen-pen’s Romance 2 by Vanessa

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Pen-pen ay kailangan niyang mamili: ang gawin ang mali kapalit ng pagkawala ni Martin sa kanya o ang gawin ang tama na nangangahulugan na kailangan niyang magsinungaling kay Martin.
Pinili niyang gawin ang tama kapalit ng inaasahan niyang pagsasama nila. Ngunit nahuli nito ang kasinungalingan niya. At labis itong nagalit sa kanya, isang uri ng galit na napakasakit para tanggapin niya…

4. PHR 2816 Kung Kasalanan Man Ang Ibigin Ka by Suzzaine Angelu

Tahimik ang buhay-pag-ibig ni Frances sa piling ni Aldus. Ngunit sinubok iyon ng mapagbirong tadhana…
Naphne came into the picture. Sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata ay alam niyang ito ang lalaking nararapat at nakatadhana para sa kanya.
Mula nang mangyari ang minsang kalituhan at pagtatraidor ng kanyang isip at puso, natagpuan na lang niya ang sariling ito na ang hinahanap-hanap at dito na lang nais ipaubaya ang lahat… ang lahat-lahat sa kanya…

5. PHR 2817 Si Rigo Korakkakis by Camilla

Dahil sa plano ng ama ni Crinessa na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito ay nagtungo siya sa bayan ng kanyang tiyahin. Doon ay muli silang nagkita ni Rigo Korakkakis, ang lalaking nawala na lang bigla pagkatapos may mangyari sa kanila. Nang malaman nito ang suliraning kinakaharap niya ay agad itong nag-alok ng tulong. He would marry her instead. She had loved him forever kaya mabilis siyang pumayag.
Hindi pa man plantsado ang problema niya sa kanyang ama na galit pa rin sa kanya ay may panibagong kontrabidang sumulpot sa buhay niya–ang tiyahin ni Rigo na may napipisil na ibang babae para sa pamangkin. At nang biglang mamatay ang matanda ay siya ang sinisi ni Rigo.
Magkakabalikan pa kaya sila?

6. PHR 2818 Tempting Faith by Almira Jose

Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya ng college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all through the courtesy of Andrew, ang ex-basketball star-turned-sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan agad siya ng romantikong atensiyon.
He was quite a charmer.. Walang kalaban-laban ang kanyang puso rito. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what—iyon ang binata sa buhay niya. Sa maikling panahon ay naging maligaya siya sa piling nito. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lamang pala siya nito.
Pinakyaw na nito ang lahat ng “first” niya. Pati ba ang first heartache niya ay kailangan din niyang ibigay rito?



website: www.pinoypocketbooks.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: